Makikinig ako sa 'yo
at sa binubulong ng dagat
kung kaya mong ipangako
'di ka magiiwan ng sugat.
Gagawin ko ang iyong inuutos,
wag kang magalala,
kung pagkatapos ng unos
di ka mawawala.
Kung sakaling
di mo kaya
ang mangako
at magpaiwan sa tabi ko,
magsasara ang aking isip,
tatalikod, 'di na sisilip.
Tatapusin ang ugnayan.
Lalangoy sa kawalan.
Pasensiya na, tawad muna.
Natuto na 'ko.
Ayoko na sumunod sa agos
ng iyong utos.
Paalam muna, wag na muna.
Aalis na 'ko
at maglalakad sa hangin,
malayo sa iyong paningin.
at sa binubulong ng dagat
kung kaya mong ipangako
'di ka magiiwan ng sugat.
Gagawin ko ang iyong inuutos,
wag kang magalala,
kung pagkatapos ng unos
di ka mawawala.
Kung sakaling
di mo kaya
ang mangako
at magpaiwan sa tabi ko,
magsasara ang aking isip,
tatalikod, 'di na sisilip.
Tatapusin ang ugnayan.
Lalangoy sa kawalan.
Pasensiya na, tawad muna.
Natuto na 'ko.
Ayoko na sumunod sa agos
ng iyong utos.
Paalam muna, wag na muna.
Aalis na 'ko
at maglalakad sa hangin,
malayo sa iyong paningin.